WidgetBucks - Trend Watch - WidgetBucks.com

Mabuhay

Ang blag na ito ay koleksyon ng sarisaring liriko na gumapang sa ating isipan, mga awit na kasama natin bago tayo mamulat sa ating mga kina hinatnan. Samahan nyo akong balikan at awitin, sariwain ang kahapon at namnamin ang mga sandaling ating inasam

Google
 

Thursday, October 4, 2007

Kanlungan

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?

Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?

--
Song by Noel Cabangon
Mp3 version (studio)

No comments: