WidgetBucks - Trend Watch - WidgetBucks.com

Mabuhay

Ang blag na ito ay koleksyon ng sarisaring liriko na gumapang sa ating isipan, mga awit na kasama natin bago tayo mamulat sa ating mga kina hinatnan. Samahan nyo akong balikan at awitin, sariwain ang kahapon at namnamin ang mga sandaling ating inasam

Google
 

Tuesday, October 2, 2007

Metamorphosis

nang masdan ko ang larawan ko noon
may maiksing buhok at may maliit na katawan
agad akong nag-isip at natigilan
nasan na kaya ang dating katawan

tila uod na naging paru-paro
lumilipad-lipad sa halamanan
kung saan dadapo tanging s`ya lng ang may alam
at kapag nahapo, kahit saan dadapo

at kung umuulan
hanap ay masisilungan
sa maliit na dahon
pinilit na kanlungan
bakit ako nagtiyaga
sa maliit na dahon
kahit ito`y alam ko nang
hindi sapat na kanlungan
hanggang kailan magtitiis
sa aking kabuktutan
sa aking pagsiksik
sa lupang maliit
na tanging nalalaman nito
ay dusa at sakit
sana`y natutunan ko na...
SANA`Y NATUTUNAN KO NA

--
Song of The Wuds
MP3 version (studio)

No comments: