Meron akong kilala pedro ang pangalan
Simpleng tao simple ring pumorma
Sa aming kabarkada lumawak ang isipan
Natuto ng musika musikang bato
Kami’y isang araw nanood ng kursyerto
Itong si pedro nag–imahinasyon
Sya’y nangarap maging isang combo
Tumugtog ng musika musikang bato
Balang araw sa entablado kami ay titingalain
Baling araw kami ay sisikat,
Sisikat din…
Dumating ang araw kami ay sumikat
Sumukat sa kunsyerto pati na sa radyo
Sigaw ng mga tao ang aming pangalan
Sikat na si pedro, sikat na raw si pedro
Balang araw sa entablado kami ay titingalain
Baling araw kami ay sisikat,
Sisikat din…
Sikat na si pedro ayaw na mag–ensayo
Lumaki ang ulo laging huli sa kunsyerto
Di naming malaman kung anong gagawin
Kami’y nalilito puro sakit ng ulo
Aming syang inalis, sinipa sa combo
Wala na si pedro, ang sikat na si pedro
Wala na si pedro, wala na si pedro,
Wala na si pedro, ang sikat na si pedro
Wala na si pedro, wala na si pedro,
Wala na si pedro, ang sikat na si pedro [repeat 4x]
Song by Philippine Violators
Mp3 version(studio)
No comments:
Post a Comment